Bilang pagtugon sa malawakang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga, matagumpay na naisagawa ang drug test sa 119 na empleyado ng LGU Mabini sa mismong munisipyo ng bayan sa ika-walong araw ng administrasyon ni Mayor Alimar R. Briana.

Naging mahigpit ang pagsasagawa ng drug test dahil bantay sarado ng SOCO PNP Crime Laboratory ang mga empleyado mula sa pagtawag sa kanila, pag-ihi at pagsumite ng kanilang ihi sa SOCO.

Ang mahigit isang daang bilang ng empleyado ay binubuo ng mga regular, casual, job order at laborer. Sila ay sumunod sa proseso ng SOCO Crime Lab.

Ang nasabing aktibidad ay isang surpresa dahil tanging sina Mabini Police Chief SPI Ferdinand Lopez at Mayor Alimar R. Briana lamang ang nakakaalam sa iskedule nito.

“Nagpatawag ako ng meeting sa mga personnel, alas syete ng umaga. Kami lang ni hepe ang nakakaalam na ito ay drug test.” Kwento ni Mayor Briana sa SOCO team.

“Kung ayaw nilang magpa-drug test, okey lang pero out sila sa trabaho dito.” Dagdag pa niya.

Dumayo sa LGU Mabini ang mga kapulisan at non-uniform personnel mula sa mga bayan ng Burgos, Infanta at Agno.

Malalaman ang resulta ng drug test pagkatapos ng ika-labinlimang araw. Ang magpa-positive sa isinagawang drug test ay kakausapin dahil sa maaring naging dahilan.

Source and more photos at: LGU-Mabini's FB page.

Emergency Numbers:

LGU-Mabini Hotline
075-551-1149
0998-224-1856

Mabini Police Station
0917-874-8515
0929-342-7682

Alaminos City Fire Station
075-551-4584